YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 11, 2015

BFI, blangko sa naging pagpupulong ni Congressman Haresco at ng BRTF

Posted February 11, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for i don't knowBlangko umano sa naging pagpupulong ni Congressman Haresco at ng BRTF ang BFI o Boracay Foundation Incorporated.

Kaugnay nito, ‘no comment’ si BFI President Jony Salme sa mga maaaring naging sentimyento ng congressman sa mga nakarating umano sa kanyang problema sa isla.

Magugunitang sinabi ni Haresco na ipinarating mismo sa kanya ng kanyang kapwa kongresista ang tungkol sa matagal nang problema sa baha sa isla, dahilan upang pumunta ito sa Boracay nitong nakaraang Huwebes.

Sinabi rin kasi ng kongresista na sisilipin nito ang mga nakarating sa kanyang report tungkol sa Boracay.

Samantala, patuloy namang tinututukan ng mga stakeholders sa isla ang mga usapin kaugnay ng road easement at Boracay APEC Hosting sa May 2015.

No comments:

Post a Comment