YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 09, 2015

Construction worker, patay matapos saksakin ng kapwa construction worker

Posted February 9, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Patay na nang makarating sa ospital ang isang construction worker matapos saksakin ng apat na beses ng kapwa construction worker sa Boracay kagabi.

Kinilala sa blotter report ng BTAC ang biktima na si Leonardo Pagacita ng Sagay City Negros Occidental habang kinilala naman ang suspek na si Wency Bocabal, 44 anyos ng nasabi ding lugar.

Ang dalawa ay parehong nagtatrabaho sa isla ng Boracay bilang mga construction worker.

Ayon sa blotter report ng mga pulis, nakita na lamang di umano ng kanilang mga kasamahan ang dalawa na nag-aagawan ng kutsilyo sa ikalawang palapag ng kanilang tinutuluyan sa So. Sinagpa Balabag Boracay.

Ilang sandali pa ay bigla na lamang nahulog si “Pagacita” sa hagdan at wala nang malay.

Kaagad namang sumaklolo ang mga kasamahan nito kabilang na ang isang sekyu na syang nagsurrender ng suspek sa mga pulis.

Samantala, narekober mula sa suspek ang 11 pulgada na kutsilyo.

Kasalukuyan naman itong nasa kustodiya ng BTAC at nakatakdang dalhin sa bayan ng Kalibo.

No comments:

Post a Comment