YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 04, 2015

Ikabubuti ng Boracay kaugnay sa road easement, dapat pinag-aaralan – BRTF

Posted February 4, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Dapat pinag-aaralan ang ikabubuti ng Boracay kaugnay sa road easement.

Ito ang sinabi ni BRTF o Boracay Redevelopment Task Force Mabel Bacani kaugnay sa road easement.

Nitong nakaraang linggo, nakipagdayalogo ang LGU Malay at BRTF sa mga establisemyentong apektado ng road easement sa Boracay kung saan hinimok ni mismong Boracay Island Chief Operations Officer Glenn Sacapaño ang lahat na makipagtulungan.

Samantala, pinasinungalingan naman ni Bacani na hindi late o huli ang mga hakbang na ginagawa ng administrasyon ni Malay Mayor John Yap kaugnay sa usapin.

Sa halip, patuloy umano nitong tinututukan ang lahat upang maging legal ang mga dukumento sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Samantala, nabatid na may mga kusa na ring nag-demolish ng kanilang istrakturang tatamaan ng road easement sa isla, na kinumpirma naman ng ilang opisyal sa naganap na dayalogo.

No comments:

Post a Comment