YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 11, 2015

LED Street lights malabong maihabol para sa APEC Summit sa Boracay

Posted February 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for led street lightsHindi umano sigurado si SB member at 2015 APEC Malay Task Group Focal Person Rowen Aguirre na maihahabol para sa APEC Summit sa Boracay ang LED street lights.

Ito’y dahil sa nag-aantay pa umano sila ng pondo mula sa National Organizing Committee (NOC) para dito.

Bagamat mayroon naman umanong nakalaang budget ang Local Government Unit ng Malay para dito ngunit hindi naman umano ito magkakasya.

Samantala, kailangan pa umano nilang sundin ngayon ang procurement procedures ng gobyerno at kung aantayin nila ito ay matatagalan pa.

Nabatid na isa sa mga pinag-usapan noong mga nakaraang buwan sa Sangguniang Bayan ng Malay ay ang paglalagay ng street lights na may LED sa mainroad ng Boracay bilang paghahanda sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Boracay ngayong Mayo 2015.

No comments:

Post a Comment