YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 10, 2015

Magkapatid, naaksidente habang nagmomotorsiklo sa Boracay

Posted February 10, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kaagad na isinugod sa ospital ang dalawang magkapatid matapos na maaksidente sa sinasakyan nitong motorsiklo sa Manoc-Manoc, Boracay kagabi.

Kinilala sa blotter report ng BTAC ang mga biktima na sina Ramie Salvador at Ricky Salvador, 31 anyos.

Ayon sa nakasaksi sa nasabing pangyayari, mabilis umano ang pagpapatakbo ni “Ramie” ng motorsiklo, dahilan upang mawalan ang mga ito ng kontrol nang lumiko sa rotonda papunta sa isang paaralan doon.

Napag-alaman din sa blotter report ng mga pulis na parehong walang helmet ang dalawa at nasa ilalim pa ng nakalalasing na inumin habang nagmamaneho.

Samantala, naka-impound naman ngayon ang motorsiklo ng dalawa sa himpilan ng BTAC.

No comments:

Post a Comment