YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 24, 2015

Mga bangkang bumibiyahe sa Boracay na may sariling lutuan, mahigpit na ipinagbabawal

Police February 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for mga bangka sa boracayMahigpit na ipinagbabawal ng Caticlan-Boracay Transport Multi-Purpose Cooperative (CBTMPC) ang mga bangkang bumibiyahe sa isla na may sariling lutuan.

Ito’y dahil sa hindi ito kagandahan para sa mga sumasakay na pasahero at higit sa lahat ay sadya itong delikado para sa kanilang operasyon.

Ayon naman kay CBTMPC Chairman Godofredo Sadiasa ang pagluluto mismo sa likod ng bangka ay mahigpit nilang ipinagbabawal kung saan naglabas na umano sila ng memorandum para ipagbawal ito.

Kaugnay nito napansin din ni Jetty Port Administrator Nieven Maquirang ang nasabing problema kung kayat inilapit niya mismo ang kanyang pagkabahala kay Sadiasa kung ito ba ay pinapayagang isagawa ng mga bangkero sa kanilang mga bangka.

Samantala, inaasahan namang may mga pagbabago sa ilang bangkang bumibiyahe sa Boracay kung saan papalitan na ang dating desinyo ng mga ito ng mas-kumportable at mas-malaki.

No comments:

Post a Comment