YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 16, 2015

Mga commissioners at vendors sa long beach, nag-aabang sa operasyon ng LGU Malay

Posted February 16, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay   

Nag-aabang ngayon sa operasyon ng LGU Malay ang mga commissioners at vendors sa long beach.
               
Ngayong araw na kasi ito ipapatupad sa vegetation area ng Boracay.

Base sa Municipal Ordinance No. 181, S. 2002, ang mga vendors, masahista, maging ang mga manikuristang accredited ng MABOVEN o Malay-Boracay Vendors, Peddlers, Ambulant Masseurs and Manicurists Association lamang ang pinahihintulutang mag-market ng kanilang produkto o serbisyo.

Maliban dito, pinahihintulutan din ang mga vendors at kahalintulad na frontliners kapag merun silang mayor’s permit at lisensya.

Subali’t nabatid na marami paring illegal vendors at commissioners ang malayang nagtitinda at nang-aalok ng island activities sa vegetation area, at maging sa beach mismo.

No comments:

Post a Comment