YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 05, 2015

Mga problema sa Boracay, sisilipin umano ni Congressman ‘Ted’Haresco

Posted February 5, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Sisilipin umano ni Congressman ‘Ted’Haresco ang mga problema sa Boracay.

Ito ang naging sagot ng congressman sa tanong kahapon sa isang ambush interview tungkol sa usapin sa road easement sa isla at nalalapit na APEC Summit.

Aminado rin kasi si Haresco na isinumbat sa kanya ng mga kapwa kongresista ang tungkol sa matagal nang problema sa baha sa isla.

Dahil dito, pupunta umano siya sa Boracay ngayong araw dala ang paalalang dapat “we have to prosper in harmony with nature”.

Samantala, magugunita namang nanawagan ang LGU Malay sa mga establisemyentong apektado ng road easement na makipagtulungan para sa ikabubuti ng Boracay.

No comments:

Post a Comment