YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 09, 2015

Pagbubukas ng trust fund account para sa DOT Highway beautification project, aprobado na sa SP Aklan

Posted February 7, 2015
Ni Gloria Villas, YESFM Boracay

Inaprobahan na ang hiling ni Governor Florencio Miraflores na magkaroon ng otoridad sa pagbubukas ng trust fund account para sa DOT Highway beautification project.

Sa ginanap na 5th SP Regular Session, tinalakay ang nasabing usapin, kung saan nabatid na nasa 500 thousand pesos ang inilaan na budget para sa DOT Highway beautification project.

Nabatid na ang nasabing pondo ay para sa pagpapaganda ng Kalibo International Airport papuntang Caticlan at ruta ng Malay bilang bahagi ng preparasyon sa APEC Summit sa darating na Mayo ngayong taon na gaganapin sa isla ng Boracay.

Samantala, napag-alaman na abala na rin ngayon ang iba pang mga ahensya ng gobyerno sa probinsya  na mas mapaganda pa ang kanilang serbisyo lalo’t nalalapit na ang nasabing aktibidad.

No comments:

Post a Comment