YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 09, 2015

Pasugpo sa kriminalidad sa Boracay, hamon sa bagong OIC ng BTAC

Posted February 9, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Humarap na kanina sa mga miyembro ng Boracay Action Group ang bagong OIC ng Boracay PNP na si PSInspector Frensy Andrade.

Ginanap ang pormal na pagpapakilala ni Andrade pagkatapos ng Joint Flag Raising Ceremony nitong umaga sa Boat Station 2.

Sa kanyang naging mensahe, sinabi ni Andrade na nakahanda ang Boracay PNP na  maglingkod sa isla sa pamamagitan ng PNP Slogan na ‘PULIS AKO, PULIS NYO PO!. 

Kasabay nito, aminado si Andrade na hamon para sa kanya ang pagsugpo sa kriminalidad sa isla.

Tutulong din umano ang Boracay PNP sa pagpapatupad ng mga ordinansa ng LGU Malay.

Samantala, kampanti rin nitong sinabi na hindi na bago para sa kanya ang mga problema sa Boracay.

Tatlong taon na rin kasing naglingkod sa Boracay PNP si Andrade bilang Police Officer 1 bago ito naging hepe ng Ibajay PNP at napunta sa iba pang destinasyon.

Napag-alamang naging epektibo nitong Biyernes ang order para kay Andrade bilang Officer In Charge ng BTAC o Boracay Tourist Assistance Center.

No comments:

Post a Comment