YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 03, 2015

PRC Boracay-Malay Chapter, naghahanda na para sa One Million Volunteer Run

Posted February 3, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

May isang buwan pa, subalit naghahanda na ngayon ang Philippine Red Cross (PRC) Boracay Malay Chapter para sa One Million Volunteer Run ngayong taon.

Ayon kay PRC Malay-Boracay Chapter Deputy Administrator John Patrick Moreno, naka-iskedyul itong gawin sa ika-8 ng Marso.

Anya hangarin ng PRC na makalikom ng isang milyong taong sasali sa cause-oriented program na ito sa buong bansa.

Samantala, inaasahan ding lalahok sa takbuhan ang mga kawani ng pamahalaang panglalawigan, Department of Education, mga lokal na pamahalaan, mga estudyante at pribadong sektor.

No comments:

Post a Comment