YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 02, 2015

Sewerage at Flood control Project ng TIEZA sa Boracay, ininspeksyon na

Posted February 2, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ininspeksyon na ang Sewerage at Flood Control Project ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority sa Boracay.

Ayon kay Boracay Island Water Company o BIWC Chief Operating Officer Ben Mañosca, gtinanap ang inspeksyon pagkatapos ng selebrasyon ng ika-limang taong anibersayo ng BIWC nitong nakaraang Miyerkules kung saan naging bisita si Lapid.

Ayon pa kay Mañosca, sinilip at tinututukan din ngayon ni Lapid ang commissioning o pagkokondisyon drainage pump na naka-assemble na nitong nakaraang taon.

Pinaghahandaan na rin umano kasi ngayon ng TIEZA ang nalalapit na tag-ulan.

Samantala, kinumpirma din ni Mañosca na may iba pang mga proyekto ang inihahanda ngayon ng TIEZA sa Boracay.

Napag-alamang kasama din ni Mark Lapid sa aktibidad ng BIWC ang mismong ama nitong si Senador Lito Lapid.

No comments:

Post a Comment