YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 05, 2015

Shared Leadership, ibinida ni Governor ‘Joeben’ Miraflores sa kanyang SOPA

Posted February 5, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Shared Leadership.

Ito ang ibinida ni Aklan Governor Florencio ‘Joeben’Miraflores sa kanyang SOPA o State of the Province Address kahapon na dinaluhan ng iba’t-ibang National at Provincial Government Heads.

Sa halos isang oras na talumpati ni Miraflores, kinilala at pinasalamatan mismo nito ang suporta umano ng mga taga SP o Sangguniang Panlalawigan ng Aklan, mula nang muli ito umupo bilang gobernador nitong nakaraang taon ng 2013.

Naniniwala si Miraflores na malayo na ang narating ng probinsya sa maikling panahon lamang, dahil sa pagkakaisa.

Samantala, kinilala at pinasalamatan din ni Miraflores ang mga stake holders sa Boracay sa patuloy na paglago ng industriya ng turismo sa isla.

Sa kabila naman ng pagkilala at pasasalamat, umaasa din umano ang gobernador ng mas magandang kinabukasan para sa probinsya ng Aklan.

No comments:

Post a Comment