YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 23, 2015

Tinatayang 50 mil pesos na halaga ng shabu, nasabat sa buy bust operation sa Boracay

Posted February 23, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for no to drugsHindi sukat akalain ng isang lalaking nagtutulak umano ng droga na may kasama pa palang posas ang perang inabot sa kanya kapalit ng shabu.

Hindi na rin ito nakapalag pa sa ikinasang buy bust operation ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group at Boracay PNP.

Dahil dito, narekober sa suspek na si Andy Oroceo, 37 anyos ng Roxas City at residente ng Sitio Ambolong, Manoc-manoc Boracay ang dalawang sachet ng suspected shabu na binili naman sa kanya ng police asset.

Narekober din ang anim pang sachet ng shabu na iba’t-iba ang laki, isang brick ng suspected marijuana‘hash’, ilang illegal drugs paraphernalia, cell phone at buy bust money.

Inihahanda narin ngayon ang kasong isasampa sa suspek dahil sa paglabag nito sa   RA 9165 o an act instituting the comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Samantala, naniniwala naman ang mga operatiba ng PAIDSOTG na matagal nang nagtutulak ng droga si Oroceo sa Boracay.
   

No comments:

Post a Comment