YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 09, 2015

Dalawang contractor sa Boracay, kinasuhan ng estafa dahil sa tumalbog na cheque

Posted March 8, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for fake checkDalawang contractor sa Boracay ang kinasuhan ng estafa ng isang negosyante sa Barangay Caticlan.

Nakilala sa police report ng Boracay PNP ang mga suspek na sina Edbard Tacuban Gentozala ng Bacolod City at Duane Tacuban Gentozala ng Jaro, Iloilo, at mga architect ng PSA 27 Construction Company.

Ayon sa report, natuklasan na lamang ng negosyante na tumalbog ang stekeng ipinambayad sa kanya sa mga materyales na inorder ng mga suspek nitong nakaraang taon para sa kanilang proyekto sa isla ng Boracay.

October 31, 2014 umano nang mag-isyu ang mga suspek ng tseke na nagkakahalaga ng P1, 058, 000.00.

Subali’t nang ipapa-encash na ng negosyante ang tseke nitong November 30, 2014, natuklasan nitong sarado na ang ibinigay na account ng mga suspek kung kaya’t ipinag-utos nito sa kanyang tauhan na magpa-blotter sa Boracay PNP.

Samantala, ayon pa sa report, pormal na ring nagsampa ng kaso sa pamamagitan ng kanyang private lawyer ang negosyante laban sa mga suspek na pawang naglahong parang bula.

No comments:

Post a Comment