YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, March 14, 2015

Malay Mayor John Yap, ipinag-utos ang paghuli sa mga sasakyang walang mayor’s permit at sticker

Posted March 13, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for traffic codeAprubado na ang Municipal Traffic Code ng Malay.

Kasabay nito, ipinag-utos na ni Malay Mayor John Yap ang paghuli sa mga sasakyang walang mayor’s permit at sticker sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 2015-14.

Bahagi umano ito ng epektibong transport and traffic management sa territorial jurisdiction ng Malay.

Base sa memorandum na naging epektibo nitong March 1, 2015.

Mahaharap sa karampatang penalidad ang sinumang mahuli na walang kaukulang dokumento ang kanilang mga sasakyan.

Kaugnay nito, inatasan ng alkalde ang Malay PNP, Boracay PNP, LGU-Malay Transportation Regulation Office, Malay Municipal Auxiliary Police na ipatupad ang kautusan.

Samantala, kasunod  ng memorandum, ipinabatid naman ng Malay Transportation Office o MTO na mag-iisyu sila ng bagong Traffic Violation Ticket sa mga mahuhuling violators.

Ipinaalala din ng MTO ang pagpapatupad kaugnay sa paglalagay ng taripa, pagsuot ng uniporme at sitting capacity sa mga tricycle at pampublikong E-Trikes.

No comments:

Post a Comment