YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 30, 2015

DENR Aklan, magsasawaga ng Island wide clean-up sa Boracay ngayong Biyernes

Posted April 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for denrNakatakdang magsagawa ngayong araw ng Biyernes ang Department of Environmental and Natural Resources (DENR) Aklan ng Island wide clean-up sa Boracay.

Ito ay bilang bahagi umano ng kanilang kontribusyon sa pag-host ng Boracay sa APEC conference ngayong Mayo 9, 2015 at ang pagselebra ng Earth Day.

Imbitado rin dito ang ibat-ibang organisasyon katulad ng National agencies, civic and religious organizations, LGU, stakeholders at mga lokal na residente kung saan simula alas-7:30 ng umaga ay magtitipon-tipon ang mga ito sa naka-indicate na clean-up cluster design o areas.

Kabilang naman sa mga designated bilang cluster clean-up areas ay ang front beach, back shoreline at ang main road sa buong isla.

Napag-alaman na ang nasabing programa ay isang malaking tulong para mamintina ang kagandahan ng Boracay sa tulong ng ibat-ibang departamento ng gobyerno upang maipakita ang pakikiisa ng Aklan sa gaganaping malaking ministerial meeting sa Boracay.

No comments:

Post a Comment