YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 30, 2015

PESO Aklan may muling paalala sa mga Aklanon kontra illegal recruiters

Posted September 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for illegal recruiterNagbigay muli ng paalala ang Provincial Public Employment Office (PESO) sa mga Aklanon na mag-ingat kontra sa illegal recruiters.

Ayon kay PESO-Aklan manager Vivian Solano, nagkalat umano ngayon ang mga patalastas para sa overseas jobs sa pamamagitan ng social media, email o direct hiring.

Sinabi din nito na wala umanong job orders mula sa Hongkong at Macao taliwas sa mga lumalabas sa commercial sa internet.

Maliban dito pinaalalahanan din nito ang mga Aklanon na huwag magtrabaho sa ibang bansa na ang gamit ay tourist visa.
  
Nabatid na nagkalat ngayon ang mga illegal recruiter sa ibat-ibang lugar sa bansa na ang nais ay mangikil ng pera sa mga taong nais makapag-abroad at makahanap ng magandang trabaho bilang isang OFW.

No comments:

Post a Comment