YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 07, 2015

Mga nagrereklamo laban sa mga private helipad sa Boracay ipapatawag sa SB Malay

Posted October 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for helipadNakatakdang ipatawag sa Sangguniang Bayan ng Malay ang mga nagrereklamong residente at business establishment owner sa Boracay laban sa operasyon ng mga private helipad sa isla.

Sa 35th Regular Session ngayong Martes, sinabi ni SB Member Rowen Aguirre na kailangang ipatawag nalang sa Session ang mga nagpadala ng petition letter laban sa dalawang private helipad na nag-ooperate sa isla para pormal na kunin ang kanilang panig. 

Nabatid kasi na lumilikha parin ng matinding ingay ang naturang mga helicopter sa oras na ipinagbabawal silang mag-operate.

Matatandaang dalawang kumpanya ng helicopter sa Boracay ang ipinatawag nitong nakaraang linggo sa Session ng Malay dahil sa reklamo ng mga residente sa maingay na operasyon nito lalo na tuwing umaga na paikot-ikot lamang loob ng isla.

No comments:

Post a Comment