YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 21, 2015

Pagmamahal sa kalikasan ng Boracay, idadaan sa candle lighting

Posted October 21, 2015 
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for candle personIdadaan ng mga Environmental Concern Group ang kanilang panawagan sa pagsalba ng Boracay sa pamamagitan ng candle lighting.

Ito ay pinangunahan ng mga ilang residente at grupo na may layuning maisalba ang isla ng Boracay sa patuloy na pag-overdevelop nito.

Ayon kay Father Nonoy Crisostomo ng Boracay Holy Rosary Parish Church, ito umano ay ginawa para isalba at bigyan ng halaga ang isla ng Boracay lalong-lalo na ang natitirang Forest Area.

Nabatid na ito ay idinaraos tuwing araw ng Huwebes alas-6 ng hapon sa Willys Rock Station 1 Brgy. Balabag isla ng Boracay.

Samantala, hinikayat naman ni Father Crisostomo ang mga tao sa Boracay na maki-bahagi sa gagawing candle lighting para  maipakita ang pagmamahal at pagmamalasakit sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment