YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 11, 2015

Aklan, bibida sa Product Exposition sa Iloilo ngayong Nobyembre

Posted November 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

 
Simula Nobyembre 17 hanggang 22 ngayong taon ay bibida ang Aklan sa isasagawang Product Exposition sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry sa Iloilo City.

Ayon kay Engr. Diosdado Cadena, DTI-Aklan Director, 30 micro, small at medium enterprises ang sasali sa nasabing event na gaganapin sa SM City Iloilo.

Tema umano ngayong 2015 product expo ay “Local Materials, Global Quality” kung saan ibibida umano nila rito ang mga kalidad na fashion wearable’s at gamit sa bahay mula sa kilalang Aklan’s piƱa and abaca.

Maliban dito ipagmamalaki din umano nila ang iba pang produktong mula sa probinsya kagaya ng mga karne, bakery goods at ang mga produkto na may kinalaman sa turismo.

Nabatid na ang Product expo. sa Iloilo ay taunang event ng DTI para mapalakas ang marketing ng probinsya sa pamamagitan ng kanilang ibat-ibang produkto.

Samantala, katuwang ng DTI sa nasabing event ang Hugod Aklanon Producers Association, Inc., at sa pakikipagtulungan naman ng Provincial Government ng Aklan.

No comments:

Post a Comment