YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 18, 2015

Construction workers, Laborer at vendors binigyan ng hiwalay na lane sa Caticlan Jetty Port

Posted November 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for pila sa caticlan jetty portHindi na kailangang pang makipagsabayan sa pila ang mga manggagawa katulad ng Construction workers, Laborer at vendors sa Caticlan Jetty Port.

Ito’y matapos silang bigyan ng hiwalay na linya ng Jetty Port Administration dahil sa mga pagbabago ng sistema sa nasabing pantalan.

Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, dadaan na umano pasakay ng bangka ang mga nasabing manggagawa sa Bravo area sa exit ng Jetty Port habang may inilaan na rin ritong ticketing booth kung saan sila puweding bumili ng ticket para sa bangka.

Ngunit sa kabila nito kailangan parin nilang magpakita ng Identification card (ID) na siyang magpapatunay na sila ay mga manggagawa sa Boracay.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Maquirang na mananatili naman ang linya ng ibang workers at residente ng Aklan sa loob ng port kung saan sila dadaan sa turnstile na nakahiwalay din sa mga turista.

Nabatid na ang bagong sistemang ito ng Caticlan Jetty Port ay para maiwasan ang haba ng pila pasakay ng mga bangka lalo na ngayong naghigpit ang Philippine Coastguard sa manifesto at pagsuot ng life jacket na nagreresulta ng mahabang pila.

No comments:

Post a Comment