YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 16, 2015

Pre-departure inspection ng Coastguard sa mga bangka sa Boracay ipinaliwanag

Posted November 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ipinaliwanag ngayon ng bagong Station Commander ng Philippine Coastguard Caticlan na si Lt. Idison Diaz ang mahigpit na implementasyon para sa operasyon ng mga bangka sa Boracay.

Miyerkules nitong nakaraang linggo ng higpitan ni Diaz ang kautusan na bawal mag biyahe ang mga bangka kung hindi nakasulat sa manifesto ang pangalan ng mga sakay na pasahero at kung walang suot na life jacket.

Ayon kay Diaz, matagal na itong naisautos sa hanay ng PCG ngunit hindi lang ito naipatupad ng mahigpit sa Boracay ng mga nagdaang Station Commander.

Dagdag ni Diaz mahigpit nila ngayong ipapatupad ang pre-departure inspection kung saan bago umalis ang bangka ay kailangan muna nilang isumite ang manifesto kung saan nakasulat ang lahat ng pangalan ng pasahero sa PCG personnel.

Samantala, ipinaabot naman ni Diaz sa mga pasahero na kung sila ay may hinahabol na oras na kailangan nilang pumunta ng maaga sa mga pantalan para maiwasang mahuli sa kanilang mga pupuntahan dahil sa inaasahang pila sa port lalo na tuwing low-tide.

No comments:

Post a Comment