YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 15, 2016

Akelco, nakatanggap ng award galing sa NEA

Posted March 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for akelco kaliboTumanggap ng tatlong parangal ang Aklan Electric Cooperative Inc., (AKELCO) mula sa National Electrification Administration (NEA).

Ang mga award na iginawad ay tinanggap ni AKELCO General Manager Engr. Joel Martinez sa Philippine International Convention Center sa Manila.

Ayon kay Yoko Mendoza PIO ng Aklan Electric Cooperative Inc., (AKELCO), ang tatlo umanong award na natanggap ay Citation to Akelco for having successfully participated in Country Sitio Electrification (2011-2016), Citation for Resilient Electric Cooperative for having earned performance rating of AA pagkatapos manalasa ang bagyong  Yolanda, at Best Collection Performance Award (2013,14, 15).

Maliban dito, sinabi pa ni Mendoza, na hindi umano sila magtataas ng singil sa kuryente ngayong summer season kung saan tataas lang ang generation charge nito depende sa demand ng kuryente ng consumer.

Samantala, payo naman nito member- consumer na maging responsable sa paggamit ng kuryente at sa maka-tanggap naman ng disconnection notice ay pirmahan lang at wag na umanong maki-pagsagutan pa sa collector.

No comments:

Post a Comment