YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 22, 2016

Local campaign period, March 26 pa!, Mga pulitiko pinayuhan ngayong Semana Santa


Posted March 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for semana santaNilinaw ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na sa darating pa na Marso 26 ang pagsisimula ng local campaign period.

Ito ang pag-kaklaro ng Comelec kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya sa Marso 25, lalo na’t tumapat ito sa Biyernes Santo.

Ayon kay Getulio Esto ng Comelec Provincial Office, iwasan muna ang pangangampanya o pag ikot-ikot ngayong Semana Santa at unahin muna ang pag-alala sa naging sakripisyo ng Diyos.

Dahil dito magsisimula umano ang campaign kick-off ng mga lokal na kandidato na kinabibilangan ng mga congressmen, governors, vice governors, provincial board members, city and municipal mayors, at city and municipal councilors ay magsisimula pa sa Sabado de Gloria.

Samantala, matatandaan na nitong Pebrero 9 nagsimula ang campaign period para sa national candidates na kinabibilangan ng Pangulo, Bise-Prsidente, Senador at Party-list representatives.

No comments:

Post a Comment