YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, April 22, 2016

Boracay PNP, nakiisa sa simultaneous Earthquake Drill

Posted April 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Image by Boracay PNP
Nakiisa ang Boracay PNP sa taunang Simultaneous Earthquake Drill kahapon araw ng Huwebes bilang paghahanda sakaling magkaroon ng lindol.

Ito ay pinamunuan ni PINS. Jose Mark Anthony Gesulga, Deputy Chief ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Dito sumailalim ang mga pulis sa drill ng Alarm, Response, Evacuate, Headcount, at Evaluate format na pangkaraniwang bahagi ng isang earthquake drill.

Nag-simula din ito sa isang minutong putul-putol na tunog ng sirena na sumisimbolo sa lindol kung saan ginawa nila ang pagsunod sa “Duck, Cover, at Hold” routine habang tumutunog ang sirena na susundan ng paglabas sa gusali.

Ang Simultaneous Earthquake Drill na ito ay inorganisa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kung saan layon nito na maihanda ang mga Pilipino sa lindol dahil sa ang Pilipinas ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire na nag-reresulta ng kadalasang paggalaw ng mga lupa at ang pagiging aktibo ang mga bulkan.

No comments:

Post a Comment