YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 18, 2016

ICC sticker number ng ilang Christmas lights hindi tugma sa ICC Certificate-DTI

Posted October 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for christmas lightsNadiskobrehan ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) Aklan na hindi tugma ang ICC sticker number ng ilang Christmas light sa ICC Certificate.

Ito ang sinabi ni Ma. Carmen Ituralde, OIC-provincial director ng DTI-Aklan matapos silang magsagawa ng inspeksyon sa mga pamilihin sa bayan ng Kalibo.

Dahil dito kanila umanong senelyohan ang mga nasabing Christmas lights na nahuli at ang iba ay nakatago pa.

Ayon kay Ituralde mahalaga umano sa pamimili na tingnang mabuti ang tinatawag na Import Commodity Clearance (ICC) dahil ito ang siyang patunay na nakapasa ito sa Product Standard (PS).

Samantala, nakatakdang magbayad ang mahuhuli sa first offense ng 25,000 hanggang 37,000; second offense 37,000 hanggang 50,000 at sa third offense ay 50,000 hanggang 100,000 pesos.

No comments:

Post a Comment