YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 31, 2016

Mandatory drugtest para sa mga empleyado ng Malay may resolusyon na

Posted October 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Gumawa na umano ng resolusyon si SB member Dante Pagsuguiron para sa mandatory drugtest sa lahat ng empleyado ng bayan ng Malay kasama na ang mga casual employees.

Ito ang sinabi ng Konsehal sa panayam ng istasyong ito kung saan matagal na rin umanong naging plano ito ng Sangguniang Bayan ng Malay.

Mahalaga umano na maisalang sa mandatory drugtest ang lahat ng kanilang empleyado para masawata ang mga gumagamit ng illegal  droga lalo na ngayon at maigting ang kampanya ng adminstasyong Duterte laban sa illegal drugs.

Ayon pa kay Pagsuguiron maaari umanong matanggal sa trabaho ang mapapatunayang gumagamit ng droga kung ito ay casual employee habang sa regular employee naman ay mayroon silang ginagawang referral o maaaring sanction mula sa Civil Service Commission.

Samantala, ang resolusyong ito ay inaasahang pag-uusapan muli sa gagawing Session ng Sangguniang Bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment