YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, October 27, 2016

Paglagay ng free wifi sa buong Probinsya ng Aklan, itinuntulak

Posted October 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Itinitulak ngayon ang paglalagay ng free wifi sa buong Probinsya upang mapalakas ang Information Communication Technology sa Aklan.

Ito ang napag-usapan sa isinagawang Capacity Developmet Workshop for Aklan ICT council and stakeholders ng Department of Information and Comm
unication Technology (DICT) sa bayan ng Kalibo kahapon.

Pinangunahan mismo ni Monchito Ibrahim Executive Consultant to the Secretary ng DICT ang nasabing workshop.

Ayon kay Under Secretary Ibrahim may malaki umanong potensyal ang Aklan para ma-develop ang mga bagong teknolohiya sa pamamagitan ng paglagay libreng wifi sa mga pampublikong lugar.

Maliban dito naniniwala umano siya na magdadala ng madaming trabaho sa buong Aklan ang proyektong ito sakaling maisakatuparan na.

Nabatid na tanging ang Probinsya nalang ng Aklan ang walang ganitong programa sa buong  western visayas sa kabila ng karamihan sa mga tao ngayon ay gumagamit na ng mga gadgets. 

No comments:

Post a Comment