YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 02, 2017

Pagdiriwang ng Bagong Taon sa Boracay, generally peaceful -BTAC

Posted January 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for boracay pnp
Naging mapayapa o generally peaceful umano ang pagdiriwang ng bagong taon sa isla ng Boracay sa kabila ng pagdagsa ng mga turista.

Ito ang sinabi ni Boracay Tourist Assistance Center o BTAC Senior Police Officer 2 Christopher Mendoza sa kanilang ginawang operasyon kung saan naging maigting ang kanilang pagbabantay sa front beach at sa mga lugar na maraming tao.

Aniya, simula Station 1 hanggang 3 napuno umano ng mga residente, local at foreign tourist ang baybayin sa pagsalubong ng bagong taon kasabay narin ang panonood ng mga fireworks display.

Samantala, sinabi pa nito na wala silang naitalang kaso na may kaugnayan sa firecrackers at stray-bullet incidents sa pagsalubong ng bagong taon.

Dagdag pa ni Mendoza, magpapatuloy pa umano ang kanilang pagbigay-seguridad dahil sa walang tigil na pagdagsa ng maraming tuista sa isla ng Boracay para magbakasyon.

Matatandaang, generally peaceful din ang naging pagdiriwang ng bagong taon sa isla noong nakaraang taon ng 2016.

No comments:

Post a Comment