YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, March 01, 2017

Command Center, isa sa mga kailangan sa Boracay- Tirol

Posted March 1, 2017
 Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for command center“Isa ngayon na kailangan pa sa isla ng Boracay ay ang Command Center”

Kabilang ito sa mga nabanggit ni Commodore Leonard Tirol ng Boracay Action Group o BAG sa panayam sa kanya ng himpilang ito.

Aniya, kailangan sa isla ng Command Center na siyang magiging pangunahing takbuhan o tatawagan sa oras na merong mangailangan ng tulong.

Ang naturang Command Center ay kaniyang inihalintulad sa Davao City na mayroon silang  911 hotline number na tatawagan sa oras ng emergency.

At kung sakaling maipatupad ang naturang proyekto, isa aniya itong magandang investment, dahil hindi na mahihirapan ang mga residente pati na ang mga foreign tourist kapag sila ay mangailangan ng tulong.

Dagdag pa nito kailangan din aniyang maglagay ng 24/7 medical team sa oras ng pag-responde.

Ang command center ang masisilbing operation ng isla na tatanggap ng lahat ng tawag na kinakailangang tugunan sakaling may mangyaring insedente o emergency.

Samantala, inaayos na umano ng administrasyon ni Mayor Ceciron Cawaling ang nasabing proyekto.

No comments:

Post a Comment