Tuesday, June 13, 2017

Meat Vendor, kalaboso sa pagbebenta ng illegal na droga sa Boracay

Posted June 12, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Kalaboso sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga ang isang meat vendor sa isla ng Boracay.

Ang naarestong suspek ay kinilalang si Bryan Colesio, 28-anyos, ng General Santos City at nakatira sa Sitio Tambisaan, Brgy. Manocmanoc.

Ang suspek ay nabilhan ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng P1, 000 buy bust money kung saan sa isinagawa pang body search nakuhaan pa ito ng tatlo pang sachet ng ipinagbabawal na droga.

Nahuli si Coliseo sa pinagsamang pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Malay municipal police station, Boracay PNP, Philippine Drug Enforcement Agency 6, at 12 IB TIU MIG6.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



No comments:

Post a Comment