Thursday, June 15, 2017

Pagdiriwang ng ika- 68th Foundation ng Malay, naging matagumpay

Posted June 15, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

No automatic alt text available.
Naging matagumpay at masaya ang pagdiriwang ng ika-68th Foundation ng Bayan ng Malay ngayong araw.

Nag-umpisa ang programa sa pag-salarawan ni DepEd Malay PSDS Jessie Flores ng kultura ng Malay at kung paano ito namayagpag sa industriya ng turismo pagkatapos nitong humiwalay sa bayan ng Buruanga noong taong 1949.

Naging bahagi ng selebrasyon sina Aklan Governor Florencio Miraflores at Buruanga Mayor Concepcion “Inday” Labindao bilang pangunahing panauhin na dinaluhan din ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at mga asosasyon at kooperatiba sa Malay.

Image may contain: one or more people, people standing, sky and outdoor
Nagbigay pugay din si Mayor Cawaling sa pamilya ng Santa Maria, Aguirre at iba pang pamilyang Malaynon sa pagpusigi nito noon na maging bayan ang dating Barrio Malay na bahagi pa ng Buruanga.

Nasaksihan sa pagdadaos na ito ang iba’t- ibang pagtatanghal ng mga Malaynon lalo na ng Boracay National High School na isinalin sa sayaw ang kultura ng mga taga Bolabog sa Boracay ang “Panginhas” o pagpulot na lamang dagat sa dalampasigan.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ng LGU Malay sa mga nakibahagi at nagbigay ng suporta sa naturang selebrasyon.

Ang selebrasyon na ito ay nagpapa-alala ng paghihiwalay ng Malay na dating bahagi at baryo  sa Bayan ng Buruangga na inaprubahan noong June 15, 1949 dahil sa bisa  ng Republic Act No. 381 na pinirmahan ni dating Pangulong Quirino.

No comments:

Post a Comment