Tuesday, June 13, 2017

PCG-Caticlan, may bago ng station commander

Posted June 12, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 1 personMay bago na ngayong Station Commander ang Philippine Coast Guard (PCG) Caticlan sa katauhan ni Lieutenant Commander Eric Ferrancullo.

Si Ferrancullo ay galing sa PCG-Antique at nag-aasume ng bagong assignment sa Caticlan nito lamang buwan ng Mayo.

Malaking hamon umano kay Ferancullo ang bagong nitong assignment lalo na at sakop nito ang buong probinsya ng Aklan lalo na at papasok na ang panahon ng bagyo.

Isa rin sa tinututukan ngayon ng PCG ay ang pagpapaigting ng seguridad sa mga pantalan at territorial waters ng probinsya katuwang ang Maritime Police at Task Force Boracay.

Samantala, pinag-hahandaan na rin umano ng kanilang opisina ang Habagat Season kung saan may mga nakalatag na silang preparasyon at isa na dito ang pag-deploy ng mga Coact Guard sa paglipat ng schedule ng bangka sa Tambisaan at Tabon Port.

No comments:

Post a Comment