YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 08, 2014

Forest Area ng Asia Premier Suites sa Boracay nasunog!

Posted April 8, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Umaalingaw ngaw na mga sasakyan ng bombero ang sunod-sunod na rumisponde sa nangyaring sunog sa Sitio. Cagban Brgy. Manoc-manoc kahapon ng tanghali.

Ayon sa Boracay Fire Protection Unit (BFP) isang tawag umano ang kanilang natangap mula sa isang empleyado ng Asya Premier Suites sa nasabing lugar kung saan nasusunog umano ang kanilang Forest Area.

Dito agad namang rumispondi ang mga bombero ng BFP para apulahin ang nasabing sunog kasama ang g ilang fire truck ng private agencies sa Boracay at isang ambulansya.

Basi sa impormasyon, isa umanong guwardiya ng hotel ang nakakita na mayroong mga kabataan ang dumaan kung saan naganap ang sunog at makalipas ang ilang minuto ay bigla nalang nagliyab ang mga halaman kabilang na ang mga punong kahoy.

Nabatid na halos 200 square meter ang lapad ng lupain na puno ng mga halaman ang nasunog kahapon ng tanghali.

Napag-alaman na kung hindi agad ito naapula maaaring magkaroon ng grass fire na posibleng makaapekto sa mismong hotel ng Asya Premier Suites.

Samantala, wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing sunog kung saan agad naman itong na idiniklarang fire out matapos ang pagrespondi ng mga nasabing bombero.

No comments:

Post a Comment