YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 13, 2014

Dalawang magkapatid at kanilang pamangkin sa Numancia Aklan, nalunod kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day, patay

Posted May 13, 2014 as of 5:00pm
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Patay ang dalawang magkapatid at kanilang pamangkin matapos malunod sa Numancia Aklan kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day nitong Linggo.

Kinilala ni PS/Insp. Bernard Ufano ng Numancia PNP ang mga biktima na sina Reynold Cipriano 29, Raymond Cipriano 26, at Gian Cipriano 6 na taong gulang, mga residente ng Andagao, Kalibo.

Ayon pa sa report, hindi marunong lumangoy ang mga biktima kung kaya’t tinangay ang mga ito ng malakas na alon papunta sa malalim na bahagi ng baybayin ng nasabing bayan.

Samantala, kinumpirma din ni Ufano na nakaligtas sa pagkalunod ang kaibigan ng mga biktima na si Kevin Baylon ng Lawaan, New Washington, Aklan.

Nabatid na nag-outing ang magpamilya nitong Linggo para ipagdiwang ang Mother’s Day.

No comments:

Post a Comment