YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 27, 2014

Grand Boracay Flores de Mayo, matagumpay na nagtapos

Posted May 27, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Matagumpay na nagtapos ang selebrayon ng Grand Boracay Flores de Mayo nitong May 24 kung saan muling ipinaalala ang kulturang Filipino at turismo sa isla.

Sa ginanap na awarding program ng Grand Boracay Flores de Mayo nitong Sabado, sinabi ni Boracay Foundation Incorporated (BFI) President Jony Salme na mahalaga ang turismo sa isla.

Kaya naman unti-unti nila itong dinagdagan ng mga aktibidad na may cultural component, katulad ng Flores de Mayo.

Samantala, tinanghal naman bilang Festival Queen si Krystelle Joy Adayon ng Alta Vista de Boracay na nai-uwi din ang parangal bilang Best Dressed Reyna.

Habang tinanghal bilang Best Escort si Keno Batoy ng The Boracay Beach Resort, Rez Villanueva ng Alta Vista Boracay bilang Best Dressed Escort, Diana Angelie Jaingga ng Henann Group of Resorts bilang Smart Texter's Choice Awardee, first runner up si Kate Montojo ng The Boracay Beach Resort at Best Arc ang Alta Vista de Boracay.

Muling ipinababatid ng BFI na dapat ding ingatan ang mga kultura at tradisyong Filipino, dahil ito rin umano ang tourist attraction ng Boracay.

No comments:

Post a Comment