YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 12, 2014

Dutch national, sinuntok sa mata ng kapwa foreigner

Posted August 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagreklamo sa Boracay PNP Station ang isang turistang Dutch national matapos na umano’y sinuntok sa mata ng kapwa foreigner.

Kwento ng biktimang si Hein Kootstra, 22 anyos, nakaupo ito habang umiinom ng alak sa loob ng isang bar sa Balabag Boracay nang biglang nilapitan ng hindi nakilalang foreigner at sinuntok ang kanyang kanang mata.

Ayon sa biktima, hindi nito alam ang dahilan kung bakit umano ito sinuntok at hindi nya kilala ang foreigner na nanuntok sa kanya.

Samantala, nagtamo naman ng black eye ang biktima at nasira din ang salamin ng reading glass nito.

No comments:

Post a Comment