YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 24, 2014

Boracay at Kalibo may pinakamataas na bilang ng nakawan sa Aklan

Posted September 24, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Boracay at Kalibo ang may pinakamataas na bilang ng nakawan sa Aklan.

Ito mismo ang kinumpirma ni APPO Chief Senior Superintendent Iver Apellido sa kanyang command conference kamakailan lang.

Kaya naman naging bahagi ng kanyang mandato sa lahat ng mga hepe sa Aklan na paigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad.

Ipinag-utos din nito ang dagdag na police visibility sa mga lugar kung saan madalas nangyayari ang krimen o crime prone areas.

Samantala base naman sa mga police report ng Boracay PNP, madalas na nabibiktima ng nakawan ang mga turista sa Boracay na ikinadismaya din ng mga kapulisan.

No comments:

Post a Comment