YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 28, 2014

Oplan Undas ng APPO, in-place na hanggang sa araw ng Linggo

Posted October 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

In-place na umano ang buong puwersa ng kapulisan sa buong lalawigan ng Aklan para sa preparasyon ng Undas o paggunita sa Araw ng mga Santo at Patay sa Nobyembre 1 at 2.

Ayon kay APPO information officer P03 Nida Gregas, naka-heightened alert na ang kanilang mga kapulisan para paigtingin ang seguridad sa mga pambuliko at pribadong sementeryo sa probinsya na inaasahang dadagsain ng maraming taong dadalaw sa puntod ng kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Aniya, kung anong paghahanda ang kanilang ginawa noong mga nakaraang taon ay ganun din ang kanilang ginagawang operasyon ngayon hanggang sa pagtatapos ng Undas sa Linggo.

Isa pa sa mga babantayan ng mga pulis ay ang mga bus terminal, maliban pa sa pagkakaroon nila ng checkpoint sa mga pangunahing kalsada sa Aklan lalo na sa bayan ng Kalibo sa mismong araw ng Undas.

Samantala, paalala naman ng APPO sa lahat ng mga pasahero na uuwi at pupunta sa mga sementeryo ngayong Undas ang ibayong pag-iingat at huwag basta-bastang ilalabas ang mga mamahaling gamit dahil nagsisilabasan din umano ngayon ang mga kawatan lalo na sa lugar na maraming tao.

No comments:

Post a Comment