YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 07, 2014

Turista sa Boracay, ninakawan ng dalawang cellphone at pera

Posted October 7, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay 

Dismayado ang isang turista sa Boracay matapos mabiktima kagabi ng kawatan sa mismong tinutuluyang resort sa station 1 Balabag.

Ninakaw kasi ng hindi nakilalang suspek ang kanyang dalawang cellphone at pera.

Ayon sa report ng Borcay PNP, lumabas para mag-swimming sa beach ang turistang Chinese National.

Subali’t pagbalik sa kanyang kuwarto, wala na ang kanyang Iphone 4 at Samsung S3 at mahigit dalawang libong pisong pera.

Minarapat naman nitong magsumbong sa pamunuan ng resort upang i-review ang CCTV at doon nakita ang isang di nakilalang babe na pumasok sa kanyang kuwarto.

Kaagad ding inimbistigahan ng mga pulis ang insidente matapos magpa-blotter ng nasabing turista.

No comments:

Post a Comment