YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 06, 2016

Jetty Port Administration, PCG at CBTMPC muli na namang ipapatawag sa SB Malay

Posted January 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi umano magsasawa ang Sangguniang Bayan ng Malay na ipatawag ang Philippine Coastguard Catilan, Jetty Port Administration at CBTMPC sa kanilang Session.

Ito’y matapos makailang beses ng ipinatawag ng SB Malay ang mga kinauukulan nito ngunit hindi ito dumadalo sa halip ay nagpapadala lamang sila ng represintante.

Dahil dito nais ng SB Malay na sa huling pagkakataon sa susunod na Session ngayong Martes ay dapat ang mga kinauukulan na ang siyang dadalo rito para pag-usapan ang patuloy na problema sa operasyon ng mga bangka sa Jetty Port.

Sa ika 1st Regular Session ng Malay para sa taong 2016 kahapon, muli na namang tinalakay ni SB Member Rowen Aguirre ang siyang problema sa mga bangka kung saan marami umano itong natatanggap na balita at reklamo mula sa mga pasahero at turista na nahuhuli sa kanilang flight dahil sa sistema ng operasyon ng mga bangka sa Boracay.

Sa usaping ito nais ngayon ng SB Malay na pag-usapan ang nasabing problema kasama ang talagang namamahala sa tatlong tanggapan upang agad na masolusyon ang lumalalang problema sa Jetty Port.

No comments:

Post a Comment