YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 06, 2016

Hepe ng BTAC humingi ng karagdagang personnel para sa Boracay PNP

Posted September 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakipag-ugnayan na umano si (BTAC) Senior Inspector Jess Baylon kay APPO PSSupt John Mitchell Jamili, para sa hinihiling nitong karagdagang pulis sa Boracay PNP.

Ito umano ay para lalo pang mapalakas ang puwersa sa pagpapaigting ng seguridad sa isla ng Boracay at kaugnay na rin sa nangyaring pagsabog sa Davao City.

Sa ngayon umano ay katuwang ng BTAC personnel ang mga field training officers student kung saan itinalaga naman nila ang mga ito sa mga matataong lugar sa isla.

Nabatid na mas pinaigting ngayon ng BTAC ang kanilang kampanya sa pagpapatrolya sa Boracay kasama na ang pagsasagawa ng checkpoint sa ibat-ibang kalsada sa Boracay.

Samantala, nanawagan naman si Baylon sa mga residente at turista sa Boracay na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga kahina-hinalang bagay o pangyayari at mga taong may kahina-hinalang ginagawa upang maiwasan ang anumang insidente.

No comments:

Post a Comment