Friday, June 16, 2017

Empleyado, kalaboso matapos tangayin ang pera ng pinag-tatrabahuan

Posted June 16, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for theftPinaghahanap ngayon ng mga otoridad ang empleyadong tumangay ng kita ng kanilang pinagtatrabahuhan sa Sitio Cagban Brgy. ManocManoc, Boracay.

Sumbong ng isang Assistant Manager sa Boracay PNP, nitong Lunes umano isa sa kanilang empleyadong lalaki ang kumolekta ng mahigit P 37,000 sa kanilang kliyente subalit sa pagbalik nito sa kanilang opisina ay hindi nito ni-remit ang pera sa kanilang sekretarya.

Napag-alaman din na hindi na pumasok ang suspek sa kanyang trabaho kinaumagahan ng masingil niya ang pera.

Dahil dito, minabuti naman ng complainant na i-report ito sa Boracay PNP upang mahanap ang ini-rereklamong suspek.

Samanta, nakatakda umanong sampahan ng kasong Qualified Theft ang suspetsado na nagta-trabaho sa isang paints and hardware center.

No comments:

Post a Comment